Planong pagrepaso sa K-12 program welcome sa DepEd

Planong pagrepaso sa K-12 program welcome sa DepEd

by Powered by DWIZ
0 comment 37 views

Welcome sa Department of Education o DepEd ang plano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na muling pag-aralan ang pagpapatupad ng K to 12 basic education program.

Ayon sa DepEd, isang magandang paraan ang pagsasagawa ng review para malawakang matalakay ang mga usapin na may kinalaman sa k to 12 program at mabigyan ng solusyon ang mga ito.

Binigyang diin ng DepEd na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Kongreso para makabuo ng mga estratehiya sa mas epektibong pagpapatupad ng programa sa ilalim ng Enhanced Basic Education Act na mapakikinabang ng mga mag-aaral.

Umaasa naman ang ahensiya na magiging positibo ang resulta ng planong pagrepaso sa programa.

0 comment

Related Posts