Piolo Pascual graduate na sa paggawa ng teleserye

by Powered by DWIZ
0 comment
Piolo Pascual graduate na sa paggawa ng teleserye

Malabo na ang pagbabalik ng tambalang Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa isang teleserye.

Ito ay dahil mismong si Papa P na ang nagsabing hindi na siya muling gagawa pa ng teleserye.

Aniya, una niya ng sinabi noon nang matapos ang teleseryeng Since I Found You katambal ang aktres na si Arci Muñoz na iyon na ang kanyang magiging huling gagawing teleserye.

Paliwanag ni Piolo, para sa kanya ay matanda na siya para bumida pa sa mga teleserye.

Marami na rin aniya siyang ginawang mga soap opera sa loob ng dalawampung taong karera sa show business.

Dagdag pa ni Papa P., mas gusto niya naman ngayong subukan ang iba pang larangan lalo’t nakakapag-produce na rin naman aniya siya ng mga pelikula.

Bukod pa rito, marami pa rin naman aniya siyang proyekto tulad ng mga endorsements at pagganap sa mga pelikula.

—-

 

 

 

Related Posts