Pinoy sugatan sa isang barilan sa California

by Powered by DWIZ
0 comment
Pinoy sugatan sa isang barilan sa California

Sugatan ang isang Pilipino sa druve by shooting sa San Francisco, California.

Ayon sa Report, si Andy Teodoro ay naglalakad lamang para kitain ang ilang kaibigan sa Fillmore District nang tamaan ng bala ng baril.

Sinabi ng isa pang pinoy na si Mikkel Aragon, kaibigan ni Teodoro, 12 hanggang 15 tuloy tuloy na putok ng baril ang kanilang narinig.

Nakatawag pa umano si Teodoro sa celfon para sabihin ang kaniyang lokasyon at sinabing siya ay may tama ng bala.

Ang Pinoy ay ino obserbahan ngayon sa ICU.

Related Posts