Pinoy natagpuang patay sa Amerika

by Powered by DWIZ
0 comment
Pinoy natagpuang patay sa Amerika

Natagpuang patay ang isang matandang Pilipino na unang napaulat na nawawala sa Torrance, California sa Amerika.

Napagalamang huling nakitang sakay ng kanyang mini van ang 82-year-old na Pinoy na si Francisco Candelario.

Nitong Abril 8, nakita ang labi ni Candelario na palutang lutang sa isang canal na may layong limang kilometro mula sa pinaghimpilan ng kanyang mini van.

Inaalam na ng otoridad kung nalunod si Candelario o kung isa itong kaso ng homicide.

Related Posts