Pinay tourist patay matapos masagasaan sa California

by Powered by DWIZ
0 comment
Pinay tourist patay matapos masagasaan sa California

Patay ang 48-anyos na Pilipina matapos mabangga ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa isang kalsada sa California.

Nakilala ang biktima na si Narianne Natividad na bumibisita lamang sa California mula sa Dubai.

Ayon sa report, bagamat tumigil ang SUV, hindi umano tinulungan ng driver si Natividad at sa halip ay iniwan pa itong nakahandusay.

Sa pagkakataong ito ay nasagasaan ng ikalawang sasakyan si Natividad.

Naaresto naman ng mga awtoridad at nakakulong na ang driver ng SUV na si Deliliah Paray, 65-taong gulang, isa ring Pilipina.

Hindi naman kakasuhan ang driver ng ikalawang sasakyan na nakasagasa kay Natividad.

Isang fund raising campaign ang inilunsad para gastusan ang repatriation ng mga labi ni Natividad pa-Dubai.

—-

 

 

 

 

Related Posts