Cebu City Christmas Fire Naka-Ugdaw Sa 200 Kapin Ka Mga Pinuy-Anan
December 26, 2018
Mga Pinoy sa Libya pinag-iingat kasunod ng suicide bomb attack doon
December 26, 2018
Show all

DXDX GenSan
Pinaniniwalaang Miyembro Ng AKP Nahuli Nang PNP – Nagsisinungaling

General Santos City—pilit na pinanindigan ng suspek nakilalang si Jamjo Sala alias Jamjum. Pinaniniwalaan  miyembro ng Grupong Ansar Al Khilafa Philippines (AKP) nahuli nung nakaraang Araw dito sa Lungsod ng Heneral Santos na siya hindi myembro ng AKP at higit sa lahat hindi siya sympathizer ng ISIS.

Sa ginawang interview ng RPN DXDX Gensan news Team kay Jamjo sa kanyang panayam sinabi Niyang kung sakaling siya ay isang terorista hindi na sana siya bumaba sa Lungsod para sa kanyang  trabaho.  Araw-araw na siya sa Gensan para sa kanyang trabaho hindi sa pag Organisa sa isang terorista.

Inamin niyang kilala niya ang napatay na si Kumander Tokboy Maguid ang Founder ng AKP, at hindi Isang kasama o  di kaya kasamahan sa isang grupo dahil iisa lang sila ng Barangay.

Sinabi pa niya na isa siya sa naging biktima ni Tokboy ilang taon na ang nakalipas kasama ang pito pang mga kalalakihan ang kinuha ng grupo nila Tokboy dinala sa isa sa kanilang kampo Doon sa Barangay Daliao, Maasim, Saranagni Province.

Ikinulong sa loob ng CR  at pinilit pinasama sa kanilang grupo. Nilinaw ni  Jamjo na hindi siya sumang.ayon dahil alam niyang masama ang maging isang terorista.

Bukod pa kay tokboy wala na siyang nakilala sa kumuha sa kanila dahil may suot ang mga ito ng Mass na nakatakip sa kanilang mukha
Sa ginawang pagdakip pinasuot sila ng itim na damit at pinahawak ng baril at kinunan ng picture.

Ang kanilang picture,  naipost sa Social Media at pinakilalang isa sa mga miyembro ng AKP at Suporters ng ISIS at pinadala ang kanilang picture sa ISIS sa ibang bansa para mabigyan ng pundo ang grupo ng AKP  nung araw na iyon wala silang magawa dahil mga aramado ang naka palibot sa kanila.

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *