30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pinaigting na kampanya para sa child protection isinusulong

- Advertisement -

Isinulong ng child rights advocate na “Save the Children” ang pinaigting na kampanya para sa kaligtasan at proteksyon ng mga bata mula sa mga conflicted area.

Base sa inilabas na global report ng grupo na may pamagat na “Stop War on Children”, aabot sa isandaang libong mga bata ang nasasawi kada taon mula sa sampung mga bansa na apektado ng matinding kaguluhan.

Sinabi ni “Save the Children” Chief Executive Officer Albert Muyot, na maging ang mga kabataan sa Mindanao ay hindi ligtas sa masamang epekto ng napakatagal nang sigalot doon.

Lumalabas aniya sa kanilang pag-aaral, na halos 350,000 na katao ang pinalikas dahil sa limang buwang bakbakan sa Marawi City noong 2017, at 160,000 dito ay pawang mga bata, habang 62,000 naman ang estudyante na hindi na nakapag-aral.

Maliban pa aniya ito sa mga kabataang biktima ng sexual violence, abduction  at illegal recruitment ng mga rebelde o teroristang grupo.

Dahil dito patuloy aniya ang kanilang pagtatayo ng ‘spaces for peace’ na isang lugar kung saan ligtas na makapaglalaro at makapag-aaral ang mga bata.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -