Pinag-aagawang teritoryo sa West Phil Sea walang karapatan ang Pinas — Duterte

Pinag-aagawang teritoryo sa West Phil Sea walang karapatan ang Pinas — Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment 43 views

Walang karapatan ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nito na hindi uubrang ipilit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea, laban sa China.

Aniya, hindi na pag-aaksayahan pa ng panahon ng pamahalaan ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea lalo na’t posible itong mag-resulta sa giyera.

Paliwanag ng Pangulo, hindi niya hahayaan na pulbusin ng China ang Pilipinas lalo na’t alam niyang mayroon itong modernong kagamitang pandigma.

0 comment

Related Posts