Pilot testing ng PH I.D. system ilalatag na

Pilot testing ng PH I.D. system ilalatag na

by Powered by DWIZ
0 comment 56 views

Ilalatag na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pilot testing ng Philippine I.D. system sa Setyembre hanggang Disyembre ng 2019.   

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mayroon ng nabuong plano sina socio-economic planning sec. Ernesto Pernia, at national statistician Dennis Mapa para sa bagong I.D. system sa bansa.

Paliwanag ni Panelo, sa ilalim ng pilot testing, susubukan ng PSA na mairehistro ang malaking bilang ng mga Pilipino sa buong bansa.

Dagdag pa ni Panelo, target na maipatupad ang Philippine I.D. system sa buong bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan target na mairehistro ang 107-M Pilipino.

0 comment

Related Posts