Pilipinas pasok sa listahan ng mga pinakamabilis na airport terminal to exit

Pilipinas pasok sa listahan ng mga pinakamabilis na airport terminal to exit

by Powered by DWIZ
69 views

Pasok ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamabilis na airport terminal to exit.

Batay na rin ito sa listahan ng blacklane, isang Berlin based chauffeur and airport concierge service.

Sa pagkumpara ng Blacklane, kinakailangan lamang ng 37 minuto para makalabas ng NAIA na ika-7TH sa tinaguriang fastest airport sa Asya.

Ang pag aaral ay ginawa ng Blacklane mula August 2018 kung saan nagkumpara sila ng mga flight arrival.

Ang isang biyahero mula domestic flight ay tumatagal lamang ng 23 minuto para makalabas ng paliparan habang ang pasahero mula sa international flight ay tumatagal lamang ng 38 minuto.

Nangunguna sa listahan ang Shanghai at Macau sa China kung saan tumatagal lamang ng 22 minuto sa Shanghai at halos 38 minuto sa Macau Airport ang mga biyahero.

Ang pinakamabagal namang international arrivals ay ang Kansai sa Japan kung saan umaabot ng 80. 5 minutes.

Ang paliparan naman sa Luxembourg ang pinakamabilis na umaabot lamang ng median time na 15. 5 minutes.

(with report from Raoul Esperas)

0 comment

Related Posts