Pilipinas nilinaw na hindi aatras sa pag-host ng 2019 SEA Games

by Powered by DWIZ
0 comment
Pilipinas nilinaw na hindi aatras sa pag-host ng 2019 SEA Games

Walang balak ang Pilipinas na kumalas sa pag-host ng 2019 Southeast Asian Games.

Nilinaw ito ng Philippine Olympic Committee taliwas sa report na posibilidad nang pag-atras ng Pilipinas sa hosting bid dahil sa kakulangan ng pondo at umano’y gusot sa pagitan ng sports officials.

Ayon kay POC Executive Council Member Prospero Pichay, magiging malaking kahihiyan kung aatras ang bansa sa pag-host ng SEA Games.

—-

 

 

 

 

Related Posts