Pilipinas mistulang ‘sin city of China’ – Villanueva

Pilipinas mistulang ‘sin city of China’ – Villanueva

by Powered by DWIZ
0 comment 105 views

Mistula ng “sin city of China” ang Pilipinas dahil sa negatibong epekto ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang naging pahayag ni Sen. Joel Villanueva, ay dahil bukod sa nagaagawan ng trabaho ang mga Pilipino ay napipilitan ang Pinoy na ilipat ang kanilang negosyo dahil sa pagtaas ng upa na dulot ng POGO.

Paliwanag ng senador, dahil marami ang naghahanap ng espasyo para sa POGO ay tumataas ang renta maging sa mga condominum units o tirahan sa mga lungsod kagaya ng Makati, Taguig, at Pasay.

Matatandaang, unang inimbestigahan ng senate committee on labor, sa pamumuno ni Villanueva ang pagdagsa ng Chinese workers sa bansa, kung saan nadiskubre ang pagkukulang ng ilang ahensiya ng gobyerno para pakinabangan ang pagsigla ng POGO sa bansa.

0 comment

Related Posts