31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Pilipinas malabong maapektuhan ng US-China trade war

- Advertisement -

Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na malabong maapektuhan ng trade war sa pagitan ng US at China.

Batay ito sa pag-aaral ng Moody’s, isang international credit rating agency dahil anila sa malakas na public spending at consumption sa Pilipinas na malaking tulong sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Moody’s, mas malusog ang consumer spending sa Pilipinas kumpara sa Thailand, Malaysia o Singapore.

Wala rin anilang magiging masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang darating na 2019 midterm elections.

Magugunitang, lumago sa 6.2 percent ang GDP o Gross Domestic Product ng Pilipinas nitong 2018 at inaasahan ng Bangko Sentral na magagawa pang umangat ito sa 7 percent ngayong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -