Pilipinas ‘4th Most Dangerous Country’ sa buong mundo

by Powered by DWIZ
0 comment
Pilipinas ‘4th Most Dangerous Country’ sa buong mundo

Pang-apat ang Pilipinas sa pinaka-delikadong lugar sa buong mundo para sa mga sibilyan.

Ayon sa report na inilabas ng Armed Conflict Location and Event Project (ACLEP), pang-apat ang bansa dahil sa war on drugs ni Pangulong Rodrgigo Duterte.

Batay sa report, nag resulta ang kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno sa serye ng karahasan.

Bukod sa mga drug suspects, nakasaad din sa report na ang mga opisyal ng gobyerno ang ikalawa sa mga target ng patayan sa Pilipinas.

Naka-sentro naman umano ang mga pagpatay sa mga sibilyan sa Central Luzon at Calabarzon.

Related Posts