PHP. 340,000 HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUY BUST SA PIKIT, COTABATO PROVINCE

PHP. 340,000 HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUY BUST SA PIKIT, COTABATO PROVINCE

by RPN News
138 views

Nasabat ng pinagsamang elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XII o PDEA XII, sa pamamagitan ng Cotabato Provincial Office at Sultan Kudarat Provincial Office sa pamumuno ni PDEA XII Diretor, Naraby Duquiatan; at Pikit Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Mautin Pangandigan ang umaabot sa 340,000 pesos na halaga ng shabu; noong Agusto 1, 2019 sa Sitio Manding, Barangay Gli Gli, Pikit, Cotabato Province.

Nahuli sa operasyon si Fahad Manukil y Ala, 23 anyos, lalake, may asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.

Sumang-ayon ang sospek na magbenta ng isang sachet ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may timbang na humigit kumulang 50 gramo na may street value na 340,000 pesos sa isang PDEA agent kapalit ng buy-bust money.

Nahaharap ang sospek sa kasong paglabag sa Articl II Section 5, o Sale of Dangerous Drugs ng Republict Act 9165 of Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inaresto rin ng otoridad ang biyanan ng sospek na kinilalang si Romelyn Fernandez Quenonez, matapos nakialam at protektahan si Manukil sa kasagsagan ng operasyon ng otoridad.

Kahaharapin ni Quenonez ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1829 o Obstruction of Apprehension of Criminal Offenders.

Nakaditene sa kasalukuyan sina Manukil at Quenonez sa Pikit Municipal Police Station.

0 comment

Related Posts