Philippine water polo team dumating na sa Singapore

Philippine water polo team dumating na sa Singapore

by Powered by DWIZ
0 comment 31 views

Dumating na sa Singapore ang Philippine water polo team para sa pag-eensayo nito para sa nalalapit na 30th Southeast Asian games.

Sasabak ang koponan sa FINA Water polo challengers cup 2019 bilang parte ng kanilang pag-eensayo.

Ito na ang ikalawang beses na lalahok ang Pilipinas sa naturang torneyo.

Makakalaban ng Pilipinas ang Austria, India, Chinese Taipei, Hong Kong at Indonesia.

Isasagawa ang FINA water cup sa OCBC Aquatic Center mula ngayong araw, Oktubre 8 hanggang sa sabado Oktubre 13.

0 comment

Related Posts