27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Philippine Reclamation Authority isinailalim na sa Office of the President

- Advertisement -

Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tanggapan ang Philippine Reclamation Authority (PRA).

Ito ay matapos lagdaan ng Pangulo ang Executive Order number 74 na naglilipat sa Office of the President ng pamamahala sa PRA mula Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nakasaad din sa EO number 74 na ililipat na PRA Governing Board ang kapangyarihan sa pag-aapruba ng mga proyekto ng ahensiya na dating hawak ng National Economic Development Authority (NEDA).

Gayunman inaatasan pa rin ang PRA na kumuha ng opinyon sa NEDA, DENR at Department of Finance para sa anumang reclamation project.

Hindi rin maaaring aprubahan ng PRA ang mga reclamation project na walang kinakailangang clearance at environmental compliance certificate mula sa DENR.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -