PhilHealth officers nagsumite na ng courtesy resignation

PhilHealth officers nagsumite na ng courtesy resignation

by Powered by DWIZ
0 comment 68 views

Nasumite na ng courtesy resignation si PhilHealth president Roy Ferrer at anim na iba pang opisyal kasunod ng nabunyag na ghost dialysis claims.

Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, ipinauubaya na niya sa Malakanyang ang pagtanggap sa pagbibitiw ng naturang mga opisyal.

Nakatakda namang kausapin ni Duque ang PhilHealth board para sa revamp ng accrediation committee upang mabigyang-daan ang reporma na nais na ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang ipinatawag ng pangulo ang naturang mga opisyal sa Malakanyang  upang pagpaliwanagin sa kwestiyonableng claims ng WellMed Dialysis Center.

0 comment

Related Posts