35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

PH nanguna sa listahan ng most tweeting countries worldwide nuong Miss Universe 2018

- Advertisement -

Nanguna ang Pilipinas sa listahan ng most tweeting countries sa buong mundo nuong kasagsagan ng Miss Universe 2018 Coronation Ceremony.

Ipinabatid ng twitter na umabot sa halos anim na milyon ang tweet na nai rehistro nuong Lunes, December 17 habang ginaganap ang coronation.

Katumbas ito ng 1.4 million tweets kada minuto at ang pinakamaraming tweet ay naitalang alas nueve ng umaga.

Sumunod sa Pilipinas ang mga bansang Thailand, US, Brazil at Venezuela.

Ayon pa sa twitter, umabot sa walong milyong viewers ang nanuod sa crowning moment ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -