28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

PH mahina pagdating sa usaping seguridad — Esperon

- Advertisement -

Aminado si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na pinaka mahina ang Pilipinas sa mga bansa sa asya pagdating sa paghawak ng isyung pang seguridad.

Ayon kay Esperon, dapat nang magkaroon ng matibay na batas upang matuldukan na ang terorismo at violent extremism lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Hinalimbawa ni Esperon ang mga bansang Singapore, Malaysia, Indonesia at Australia kung saan maaaring ikulong ang isang taong pinaghihinalaang banta sa seguridad mula pito (7) hanggang tatlumpung (30) araw.

Kabaliktaran aniya ito sa Pilipinas kung saan kailangang masampahan pa ng kaso sa loob ng pitumput dalawang (72) oras ang isang hinihinalang terorista o komunista dahil kapag napatagal ng tatlong (3) araw ay maaaring balikan ang mga otoridad ng iligal detention at iba pang mga asunto.

Una rito, inaprubahan ng Kongreso ang panukalang isang taong extension ng martial law sa Mindanao na inaasahang makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -