PH Embassy nakaalerto na kaugnay sa pag-atake sa 2 Mosque sa New Zealand

by Powered by DWIZ
0 comment
PH Embassy nakaalerto na kaugnay sa pag-atake sa 2 Mosque sa New Zealand

Nakaalerto na ang embahada ng Pilipinas sa New Zealand upang alamin kung may Pilipinong nadamay sa pag-atake sa dalawang Mosque sa Christchurch sa New Zealand.

Ayon kay Ambassador Jesus Domingo, inaantabayanan pa nila ang opisyal na listahan ng casualty at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Filipino community duon.

Patuloy anya ang pagdarasal nila na ligtas ang lahat ng may 5,000 Pilipino na naninirahan sa Christchurch.

Kasabay nito, pinayuhan ni Domingo ang mga Pilipino sa Christchurch na manatili muna sa loob ng kanilang tahanan.

Una rito, tinatayang nasa 49 ang namatay at 20 ang sugatan nang bigla na lamang mamaril sa dalawang Mosque ang gunman na nakasuot ng military style camouflage.

Related Posts