33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Petisyon kontra House bid ni Legarda ibinasura ng Comelec

- Advertisement -

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon na humaharang sa pagtakbo ni Senador Loren Legarda bilang kongresista ng Antique.

Sa inilabas na desisyon ng Comelec Second Division, nakalipat na ng kanyang opisyal na tirahan si Legarda sa barangay Mag Aba sa Antique mula sa Malabon City, isang taon bago ang eleksyon sa Mayo 13.

Nakapag-apply rin anila si Legarda para ilipat sa Antique ang kanyang registration bilang botante.

Nakasaad sa desisyon na walang naiprisinta ang mga naghain ng reklamo para kontrahin ang mga naiprisintang ebidensya ni Legarda na magpapatunay na kuwalipikado siyang tumakbo bilang kinatawan ng Antique.

Ang disqualification case ay inihain ni dating Antique Governor Exequiel Javier na makakaharap ni Legarda sa nag-iisang distrito ng Antique.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -