Pelikulang Maleficent pumalo sa $36-M ang kinita sa opening week

Pelikulang Maleficent pumalo sa $36-M ang kinita sa opening week

by Powered by DWIZ
0 comment 25 views

Kumita na ng mahigit $36-M ng pelikulang Maleficent: Mistress of Evil sa opening weekend nito sa Amerika.

Ngunit mas mababa ito kumpara sa kinita ng unang pelikula ng Maleficent na ipinalabas noong 2014 na humakot ng $69-M.

Sa kabila nito, mas nanaig naman ang naturang pelikula ni Angelina Jolie laban sa mga kasabay nitong Joker at Zombieland: Double Tap.

Pinaniniwalaang mas malaki ang kinita ng Maleficent sa box – office dahil bihira lang ang movie offering para sa mga bata.

Pumalo naman sa $150-M ang kinita ng naturang pelikula sa global opening sales.

0 comment

Related Posts