PDuterte, nakatakdang bumiyahe sa Malaysia ngayong linggo

0
65

Nakatakdang bumiyahe sa Malaysia si Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong linggo.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay upang makausap ang nagbabalik pulitikang si Malaysian Prime Minister Mahatir Mohammad.

Posible rin anyang manood si Pangulong Duterte ng laban ng kanyang kaalyadong si  Senador Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, sa linggo.

Kabilang sa mga nais talakayin ng dalawang leader ang mga issue na may kaugnayan sa terorismo at islamic state.