14th month pay para sa mga empleyado ng mga pampublikong sektor inihirit ng isang kongresista
August 10, 2018
2 sundalo patay matapos maka engkwentro ang mga miyembro ng NPA sa Isabela
August 10, 2018
Show all

PDP Laban muling pupulungin sa susunod na buwan

Nakatakdang muling pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang paksyon ng PDP – Laban sa Setyembre.

Ito ay matapos mabigo si Pangulong Duterte na pagkasunduin ang paksyon nina Senador Koko Pimentel Atty. Rolando Garcia sa isang pagpupulong na ginanap sa Diamond Hotel.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakaling hindi na talaga mapagkakasundo ang dalawa ay tuluyan na itong mauuwi sa hiwalayan.

Gayunman umaasa pa rin si Pangulong Duterte na magkakasundo rin ang dalawang paksyon para mas mapalakas pa ang PDP Laban sa darating na 2019 midterm election.

Kasabay nito pinaki-usapan din ng pangulo sina Pimentel at Garcia na unahin ang kapakanan ng taumbayan bago ang kani-kanilang interes.

(With report from Jopel Pelenio)

Comments are closed.