PDP-Laban members at kampo ni Cayetano nakatakdang magpulong

by Powered by DWIZ
0 comment
PDP-Laban members at kampo ni Cayetano nakatakdang magpulong

Nakatakdang magpulong ang mga miyembro ng kamara na kasapi ng PDP-Laban at kampo ni presumptive House Speaker Allan Peter Cayetano.

Ito ang inihayag ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel, pangulo ng nasabing partido, kaugnay sa term sharing nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay Pimentel, una kasing naging panukala ang pag-upo bilang pinuno ng kamara ni Velasco.

Ngunit dahil nagsalita na mismo si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang chairman ng partido, susundin nila ito at susuportahan ng grupo si Cayetano.

Kaya aniya magkakaroon ng pulong ay upang makipag-negosasyon sa kampo ni Cayetano para hindi naman din umano madehado ang kanilang mga miyembro sa kamara.

Ani Pimentel, kabilang sa tatalakayin ay ang pamumuno sa mga komite sa kamara para sa kanilang mga miyembro maging ang transition kapag papalitan na ni Velasco si Cayetano makalipas ang 15 buwan.

Related Posts