31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

PDEA gagawin ang lahat para maparusahan ang mga nasa likod ng P11-B shabu shipment

- Advertisement -

Gagawin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lahat para maparusahan ang mga nasa likod ng pagkakapuslit ng nasa P11 billion halaga ng shabu shipment sa bansa.

Ito ang tiniyak ni PDEA Director General Aaron Aquino kasunod ng pagsasampa ng kaso laban sa 44 na indibiduwal kabilang na ang ilang Customs officials kaugnay ng nasabing shabu shipment gamit ang mga magnetic lifters.

Ayon kay Aquino, ibinatay nila ang mga isinampang kaso sa isinagawang pagdinig ng Senado at Kamara de Representates hinggil sa isyu.

“Sa dami ng ebidensya that will pinpoint doon sa pagkakaroon ng laman sa GMA na related naman doon sa MICP. Marami siyang circumstantial evidence, nagbigay ng statements, witnesses ito ay nakalap ito based doon sa mga ebidensya na nakuha na rin namin sa mga witnesses, Senate atsaka Congressional hearing eh pag binuo mo yun….malakas yung ebidensya.” Pahayag ni Aquino.

Sinabi pa ni Aquino, bukod sa kanilang isinampang kaso, nakatakda ring magsampa ng hiwalay ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga akusado sa nasabing shabu shipment.

“Supposedly magkakaroon kami ng joint filing case ng NBI pero medyo humaba pa ang panahon ng NBI para mag-imbestiga kasi dadaan pa sa legal yung kanilang results ng investigation kaya nauna na ang PDEA. In a few days from now, ang NBI ay magfifile na ng kaso against all the respondents.” Ani Aquino.

(Interview from Ratsada Balita)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -