PDEA Director-General Aquino naka-leave sa trabaho

0
44

Kinumpirma mismo ni PDEA Director-General Aaron Aquino na naka-leave siya ngayon sa trabaho.

Ayon kay aquino, matagal nang planado ang pagliban niyang ito sa trabaho.

Gayunman, walang binanggit na dahilan ang opisyal at kung gaano katagal siyang magbabakasyon.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang batayan at walang laman na ilegal na droga ang sinasabing narekober ng pdea na 6 point 8 bilyong shabu shipment na nakalagay sa magnetic filters sa isang warehouse sa Cavite.