PDEA 12 DUMAAN SA ISANG SORPRESANG DRUG TESTING

by RPN News
0 comment
PDEA 12 DUMAAN SA ISANG SORPRESANG DRUG TESTING

Matapos ang monthly meeting na pinangunahan ni Philippine Drug Enforcement Agency Regional Director Naravy Duquiatan, agad isinagawa ang isang sorpresang mandatory drug testing sa lahat ng mga operatiba, mga administrador, og mga technical personnel ng PDEA Regional Office 12 sa Camp Fermin Lira Jr., syudad ng Heneral Santos, noong Lunes, Julyo 1, 2019.

Nanguna si PDEA Director Duquiatan sa paghatid ng urine samples sa PDEA 12 Regional Laboratory na siyang tuminging kung nagpositibo sa iligal na droga ang mga specimen.

Sa inilabas na pahayag nga PDEA Regional Office 12, sinabi ni PDEA 12 Regional Director Duquiatan na dapat maging ehemplo ang mismong PDEA na syang lead agency sa pagkontra at pagsugpo sa illegal na droga. Dapat umanong mapatunayan ng PDEA na sila mismo ay malinis mula sa iligal na droga.

Related Posts

Leave a Comment