OFWs na naakpektuhan ang flights makakatanggap ng P5,000 cash assistance – DFA
August 22, 2018
Duterte: I don’t know what he means by comatose
August 22, 2018

PCOO officials inihirit kay Pangulong Duterte na sibakin si Asec. Uson

PCOO officials inihirit kay Pangulong Duterte na sibakin si Asec. Uson

Inihirit na ng siyam na opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak kay PCOO Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson.

Ito’y sa gitna ng mga batikos ng publiko sa malaswa umanong video hinggil sa pederalismo na ipinost niya sa kanyang social media blog.

Isinumite na ng mga opisyal ang request letter sa mga tanggapan nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Dapat anilang tanggalin sa pwesto si Uson dahil sa paglabag sa Section 4(B) ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o Republic Act 6713.

Nakasaad sa naturang batas na dapat panatilihin ng isang government official at employee ang “pinaka-mataas na antas ng kahusayan, propesyunalismo, karunungan at kasanayan” sa kanilang trabaho.

Comments are closed.