PBA desididong kasuhan ang lalaking naka-Spiderman costume

by Powered by DWIZ
0 comment
PBA desididong kasuhan ang lalaking naka-Spiderman costume

Desidido ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na kasuhan ang lalaking nakasuot ng Spiderman costume at nanggulo sa laban ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots para sa game 5 finals kagabi.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi nila palalampasin ang ginawang pag-eksena ng hindi na pinangalanang lalaking fan.

Ito aniya ay para hindi na muling maulit pa ang insidente.

Magugunitang natigil ang laro sa pagitan ng Beermen at Hotshots sa natitirang tatlong minuto ng fourth quarter nang biglang magtatakbo ang nasabing lalaki sa loob ng court at nabangga pa si June Mar Fajardo.

Agad namang inaresto ang nasabing lalaki na nagsabing nais lamang nitong palaganapin ang pagmamahalan at matalinong pagboto sa eleksyon kaya umeksena sa PBA finals.

—–

Related Posts