31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay na alagang baboy ikinababahala na ng D.A

- Advertisement -

Umapela ang D.A o Dept of Agriculture sa mga hog producers na huwag samantalahin ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na alagang baboy.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ito ay dahil pinangangambahan kasi na tumaas ang presyo ng karneng baboy dahil sa pagkamatay ng ilang mga alagang baboy sa hindi pa natutukoy na dahilan.

Aniya, dapat na makipag tulungan ang hog industry sa agriculture department upang matiyak na sapat ang suplay ng karne ng baboy sa bansa.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Dar na nakamonitor sila sa anumang posibleng pag-taas ng presyo ng karneng baboy, habang patuloy pa rin naman nilang iniimbestigahan ang animal disease na dahilan ng pagkamatay ng mga alagang baboy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -