35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pasahero ng ferris wheel sa Star City patay matapos umanong tumalon

- Advertisement -

Patay ang isang hindi pa nakikilalang pasahero ng ferris wheel ng amusement park na Star City, sa Pasay City matapos umanong tumalon mula sa isa sa mga gondola, kagabi.

Nakunan pa ng video ang aksidente na agad ipinost sa Facebook ng netizen na si Jojo Castillo.

Nakita sa footage ang pagsaklolo ng ilang medical personnel sa nakahandusay na pasahero ng “Giant Star Wheel” na agad inihiga sa stretcher.

Ayon sa mga awtoridad, bagaman may posibilidad na tumalon ang biktima, inaalam na rin kung mayroong pagkukulang sa panig ng management ng Star City.

Ang nabanggit na amusement ride ay may taas na halos dalawandaang (200) talampakan o katumbas ng sampung palapag na gusali.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -