Paratang na pagsasagawa ng missile tests ng China sa South China Sea itinanggi

by Powered by DWIZ
0 comment
Paratang na pagsasagawa ng missile tests ng China sa South China Sea itinanggi

Mariing itinanggi ng Defense Ministry ng China ang paratang ng Estados Unidos na nagsagawa ito ng missile tests sa bahagi ng South China Sea.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ng Pentagon-U.S. Military na nakababahala ang misile launch na isinagawa ng China, at taliwas ito sa naging pangako na Beijing na walang isasagawang missile tests sa nasabing karagatan.

Ayon sa Defense Ministry ng China, nagsagawa lamang sila ng routine drills sa naturang lugar at nataon lamang na kasama sa aktibidad ang pagpapaputok ng live ammunition.

Matatandaang makailang ulit na nagpatutsadahan ang China at Amerika dahil sa umano’y militarisasyon ng Beijing sa South China Sea.

Related Posts