33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Parañaque Integrated Terminal Exchange bukas na ngayong araw

- Advertisement -

Nakatakda nang buksan ngayong araw ang modernong Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng PITX na kauna-unahang multimodal terminal.

Ang naturang terminal na flagship project sa ilalim ng Build, Build, build program na nagkakahalaga ang 3.5 billion pesos ang magsisilbing transfer point ng mga provincial bus mula South papasok at palabas ng Metro Manila.

Mayroon din itong limang palapag, departure at arrival bays para sa mga bus, jeep, taxi, shopping center, office spaces na maaaring rentahan, libreng wi-fi, waiting area at provision upang i-konekta sa proposed LRT-1 extension project.

Ang PITX ay may kakayahang mag-accommodate ng hanggang isandaang libong (100,000) pasahero kada araw at inaasahang makatutulong upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko partikular sa bahagi ng EDSA-Taft Avenue.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -