28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Papel ng OSG sa pagbuo ng affidavit ni Bikoy vs. Robredo at iba pang oposisyon dinepensahan

- Advertisement -

Idinepensa ni Atty. Larry Gadon ang naging papel ng Office of the Solicitor General (OSG) sa pagbuo ng affidavit ni Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ para sa sedition case laban kay Vice President Leni Robredo at iba pang miyembro ng oposisyon.

Ayon kay Gadon, normal lamang naman kung kinunsulta ng PNP CIDG ang Office of the Solicitor General dahil abogado naman ito ng gobyerno.

Sinabi ni Gadon na walang kaharap na tauhan o opisyal ng OSG nang kunin nya ang sinumpaang salaysay ni Bikoy.

Una rito, sinabi ng isang constitutional law expert na bagamat walang illegal kung ni-review man ng OSG ang affidavit ni Bikoy, hindi naman ito magandang tignan para sa panig ng gobyerno lalo pang oposisyon ang kanilang idinedemanda.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -