Paolo Duterte ibinabala ang pagkakaroon ng kudeta sa mauupong House speaker

by Powered by DWIZ
0 comment
Paolo Duterte ibinabala ang pagkakaroon ng kudeta sa mauupong House speaker

Ibinabala ni Presidential Son at Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagkakaroon ng kudeta sa mauupong House speaker sa araw mismo ng SONA o State of the Nation Address ng pangulo sa Hulyo 22.

Sa isang text message, sinabi ni Paolo Duterte na may usap-usapang isa sa tatlong aspirant sa pagka-speaker ang nagbabalak na magkudeta sa mismong araw ng paghalal ng susunod na lider ng Kamara.

Kaugnay nito, sinabi naman ng kongresista na masyado pa ring maaga para pag usapan ang chairmanship ng mga komite.

Matatandaang, inendorso na ni Pangulong Duterte ang term sharing scheme sa pagka House Speaker kung saan paghahatian nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ang naturang posisyon.

Related Posts