PAO chief pinasususpindi

PAO chief pinasususpindi

by Powered by DWIZ
96 views

Umapela ang mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa Office of the Ombudsman na suspindihin si PAO Chief Persida Acosta at Forensics Chief Erwin Erfe dahil umano sa korupsiyon.

Sa isinumiteng statement ng PAO Lawyers Salary Grade 26 pataas ay nagsabing dino-doktor ni Acosta kasama ang iba pang kaalyado nito mula sa financial at management service para sistematikong magamit ang pondo ng PAO.

Ginawa ng mga hindi nagpakilalang abogado ang kanilang statement in intervention kasunod ng inihaing graft complaint ng isang Wilfredo Garrido Jr. laban kay Acosta.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Acosta, sinabi niyang bahagi lamang ito ng ‘smear campaign’ laban sa kanya.

Aniya, kung walang mukha ang nagrereklamo ay maikokonsidera itong paninira lamang.

0 comment

Related Posts