28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Panukalang social welfare attaches para sa mga distressed OFWs nilagdaan na ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong magtalaga ng mga social welfare attaches sa mga tanggapan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Sa ilalim ng nilagdaang Republic Act Number 11299 ni Pangulong Duterte, itatatag ang Office for Social Welfare Attache na siyang tututok sa kaso ng mga distressed OFWs na nangangailangan na ng psycho social services.

Kabilang dito ang mga naging biktima ng human trafficking o illegal recruitment, rape o sexual abuse, pangmamaltrato o iba pang klase ng physical at mental abuse at kaso ng mga inabandona o pinabayaang mga batang Pinoy sa ibang bansa.

Inaatasan din sa nabanggit na batas ang mga social welfare attaches na gumawa ng survey at situation reports sa kalagayan ng mga OFW’s sa bansang kanilang nasasakupan.

Pangungunahan naman ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang Foreign Affairs, POEA, DOH at DOLE sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations ng nasabing batas at pagpili sa mga lugar na lalagyan ng nasabing diplomatic posts.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -