29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Panukalang pagsuspinde sa Number-coding scheme sa mga PUVs tatalakayin ng MMC

- Advertisement -

Nakatakdang talakayin ng Metro Manila Council (MMC) sa susunod na linggo ang panukalang suspendihin ang number-coding scheme sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasama nila sa agenda ng kanilang pulong ng MMC ang naturang panukala.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng ‘window hour’ para sa coding scheme sa mga pampublikong sasakyan, kung saan papayagan silang makabiyahe kahit na coding ang mga ito mula 5am hanggang 9am.

Matatandaang, Martes ng gabi ng nagkaroon ng pulong ang Technical Working Group ng MMDA para sa panukalang Provincial Bus Ban at sa inihihirit na emergency powers para maresolba ang problema sa trapiko.

Ang MMDA ay binubuo ng Metro Manila Mayors, at ito rin ang nagsisilbing governing board at policy-making body ng MMDA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -