Panukalang pagpapatayo ng PCG Hospital nilagdaan na ni Duterte

Panukalang pagpapatayo ng PCG Hospital nilagdaan na ni Duterte

by Powered by DWIZ
56 views

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagpapatayo ng Philippine Coast Guard (PCG) hospital.

Layon ng naturang ospital na tugunan ang lahat ng pangangailangang medikal ng mga tauhan ng Coast Guard, mga sibilyang empleyado, kanilang mga kaanak maging mga retiradongoposuyal at empleyado ng PCG.

Isasagawa rin sa nabanggit na ospital ang medical examination ng lahat ng trainees o sinasanay ng PCG, pagmonitor ng kondisyon ng mga pasyente at paglika nang nauugnay na impormasyon para sa pagbuo ng mga polisiya.

Samantala, magmumula naman sa General Appropriations Act ang pondong gagamitin para sa PCG hospital.

0 comment

Related Posts