31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Panukalang mgababawal sa ticket scalping inihain na sa Kamara

- Advertisement -

Inihain na sa Kamara ang panukalang batas na magbabawal sa ticket scalping o ang pagbebenta ng hindi otorisadong seller ng mas mahal na ticket sa anumang concert, palaro o palabas.

Sa ilalim ng House Bill 8694 o Anti-Scalping Act of 2018, ipagbabawal ang sinumang tao na magbenta ng complimentary tickets sa entertainment events sa kahit anumang halaga.

Ang sinumang mapapatunayang lumabag ay pagmumultahin ng halagang P40,000 o pagkakakulong ng anim na buwan para sa unang pagkakasala, habang P100,000 naman para sa ikalawang offense o isang taong pagkakakulong at P250,000 o pagkaka-kulong ng tatlong taon para sa third offense.

Isinulong ito nina Ako-Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. at Rodel Batocabe, matapos ang insidente ng ticket scalping sa game 1 ng UAAP Men’s Basketball Finals sa pagitan ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles, kung saan siyam na scalpers ang naaresto dahil sa pagbebenta ng ticket sa mas mahal na halaga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -