Panukalang batas para sa night differential aprubado na sa Senado

by Powered by DWIZ
0 comment
Panukalang batas para sa night differential aprubado na sa Senado

Aprubado na sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ang dalawang panukalang batas para sa night differential ng mga manggagawa sa pamahalaan.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, chairman ng komite, ang panukalang batas ay bahagi ng pagkilala ng pamahalaan sa sakripisyo ng mga empleyado ng pamahalaan na nagtra trabaho sa gabi hanggang madaling araw.

Sa ilalim ng panukalang batas, babayaran ng dagdag na bente (20) porsyento ng kanyang sahod kada oras ang sinumang magtatrabaho sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi at alas-6:00 ng umaga.

Sakop rin ng panukala ang mga manggagawa sa Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) subalit hindi sakop ang mga health workers at uniformed personnel dahil umiiral na ang ganitong benepisyo sa ilalim ng R.A. 7305.

—-

 

 

 

Related Posts