30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Panukalang 2020 national budget tiniyak na maipapasa sa takdang oras

- Advertisement -

Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na maipapasa sa takdang oras ang proposed 2020 national budget.

Ayon kay Ungab, hindi na mauulit pa ang nangyaring pagka-antala sa pagpasa ng pambansang pondo kagaya ng nangyari sa 2019 national budget kung saan tatlong beses na na-antala ang pagpasa dito, matapos hindi magkasunod ang senado at mababang kapulungan ng kongreso.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Ungab na pinatutukan rin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang budget deliberations ngayong taon.

Inaasahang isusumite ng Department of Budget and Management ang proposed 2020 national budget sa kongreso sa susunod na dalawang linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -