Major Gen. Neri itinalaga ni Duterte bilang bagong ISAFP commander
November 13, 2018
Faeldon wala pang official appointment bilang susunod na BuCor director
November 13, 2018
Show all

Panukalang 2019 national budget tiniyak na mapapasakamay ni Duterte — Andaya

Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya na mapapasakamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan ang panukalang halos apat na trilyong pisong 2019 national budget.

Ayon kay Andaya, sapat ang panahon niya kaya’t kayang maisumite sa Office of the President ang panukalang national budget bago mag expire ang 2018 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi ni Andaya na tutol sila sa reenacted budget na mahirap ipatupad, malilimita ang gastos ng gobyerno at mabibigyan ang ehekutibo ng malawak na kapangyarihan kung anong proyektong ipapatupad.

Sa ngayon aniya ay isinasapinal na nila ang mga probisyon ng General Appropriations Bill (GAB) para sa 2019.

Comments are closed.