4 rice classifications ipatutupad ng DA sa Nobyembre
October 11, 2018
Police official na nasa bagong ‘drug matrix’ matagal na-relieve sa pwesto
October 11, 2018
Show all

Panukalang 2019 national budget bigong maipasa ng Kamara sa itinakdang deadline

Bigo ang Kamara na masunod ang deadline sa pag-apruba ng panukalang P3.757-trillion budget para sa susunod na taon.

Hindi napagbotohan sa huling sesyon nuong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8169 o 2019 General Appropriations Act (GAA).

Itinakda pa sa Nobyembre 12 ang resumption ng sesyon ng 17th Congress hanggang Disyembre 14 bago ang kanilang isa pang break para naman sa pasko.

Una nang inihayag ni House Majority Leader Rolando Andaya na target nilang aprubahan ang 2019 budget bago mag Oktubre 13.

Subalit may isang buwan pa o bago matapos ang taon ang kamara para aprubahan ang pambansang pondo.

Comments are closed.