Panukala para sa tamang paggamit ng sidewalks at public roads isinusulong sa kamara

Panukala para sa tamang paggamit ng sidewalks at public roads isinusulong sa kamara

by Powered by DWIZ
86 views

Isinusulong ngayon sa kamara ang panukalang batas na naglalayong magamit ng tama ang mga bangketa at pampublikong kalsada.

Batay sa Sidewalks and Public Roads Used act ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, mahigpit nang ipagbabawal ang paglalagay ng istraktura, basura o anumang sagabal sa mga bangketa at kalsada.

Pagmumultahin ng mula P1,000 hanggang P10,000 ang sinumang lalabag sa nasabing batas.

0 comment

Related Posts