Panukala ng MMDA na magsuot ng leather racing suits ang mga motorcycle riders tinutulan

by Powered by DWIZ
0 comment
Panukala ng MMDA na magsuot ng leather racing suits ang mga motorcycle riders tinutulan

Tutol ang MCFP o Motorcycle Federation of the Philippines sa panukala ng MMDA na magsuot ng leather racing suits ang mga motorcycle riders.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia kung saan inirekomenda nito sa LTO o Land Transportation Office na bumalangkas ng patakaran sa pagsusuot ng leather jacket at boots ng mga motorista.

Ayon kay Atoy Sta. Cruz, presidente ng MCFP, hindi ito maaring ipatupad sa bansa dahil sa tindi ng init sa Pilipinas na maaring makaapekto sa kaligtasan ng mga motorista.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Sta. Cruz na sang-ayon naman ang kaniyang grupo sa rekomendasyon ng MMDA na patawan ng multa ang mga motorcycle riders na naka-shorts upan matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

interview from Ratsada Balita

Related Posts