27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pantawid Pamilyang Pilipino Act lusot na sa ikalawang pagbasa sa House

- Advertisement -

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang gawing institutionalize ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7773 na layong mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 7773, inaatasan ang Department of Social Welfare and Development na pumili ng kuwalipikadong pamilya na magiging benipisyaryo ng 4Ps na sasailalim naman sa revalidation kada tatlong taon.

Makatatanggap naman ang mga mapipiling pamilya ng two thousand at two hundred pesos na cash o katumbas ng 26 thousand at four hundred pesos kada taon bilang panggastos sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon.

Itatakda naman ng National Economic and Development Authority ang gagamikting batayan ng DSWD sa pagpili ng benipisyaryong pamilya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -