29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Panibagong price increase sa mga produktong petrolyo nagbabadya sa susunod na linggo

- Advertisement -

Posibleng maputol sa susunod na linggo ang serye ng oil price rollback.

Ito’y makaraang tumaas sa unang tatlong araw ng trading o mula Disyembre 3-5 ang preso ng mga produktong petrolyo.

Sa naturang petsa, kwarenta’y syete sentimos na ang itinaas ng presyo ng imported na gasolina habang diyes sentimos sa diesel.

Gayunman, naniniwala ang mga epskerto na hindi tuluyang sisipa ang presyo ng krudo sa world market kahit magbawas ng produksiyon ng langis.

Samantala, sinimulan namang talakayin sa kongreso ang panukalang pag-alis ng buwis sa langis.

Nilinaw ng pamahalaan na hindi agad papatak sa Enero 1 ang dagdag-buwis sa langis dahil may imbentaryo pa dapat ng lumang oil products na hindi pinatawan ng mas mataas na buwis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -